MENU

Muling binuksan ng PNR ang linyang Calamba - Lucena - Calamba


Muling binuksan ng Philippine National Railways ang linya nitong Calamba - Lucena - Calamba na tatakbo sa lalawigan ng Laguna at Quezon.

Noong Huwebes, sa ganap na 6:30 ng gabi, tumulak mula sa Calamba Station patungong Lucena Station ang unang tren ng bagong bukas na linya. Ang mga residente mula Calamba, San Pablo, at Lucena ang mga natukoy na pasahero sa linya ito. IIkli rin ang paglalakbay mula Lucena, San Pablo, at Calamba at pabalik.

Ang tren papuntang Calamba ay aalis ng Lucena ng 4:50 ng umaga, at ang huling tren mula Calamba ay aalis ng 6:30 ng gabi. Tinatayang aabot sa dalawang oras at 33 minuto ang pagtahak ng tren mula Lucena papuntang Calamba. Aabot sa isang oras at 32 minuto ang pagtakbo mula Lucena tungong San Pablo.

Ang pinakamurang pamasahe sa rutang Lucena-San Pablo ay PHP 15, samantalang PHP 20 naman sa Lucena-Calamba. Mayroon temporary stops ang bagong bukas na linya sa Pansol, Masili, Los Banos, College, IRRI, Tiaong (Lalig), Candelaria, Lutucan, at Sariaya. May permanenteng estasyon sa Lucena, San Pablo, at Calamba. “Magiging mas mabilis at mas komportableng ang biyahe ng mga pasahero na galing sa mga probinsya ng Laguna at ng Quezon,” sabi ni Kalihim Jaime J. Bautista ng DOTr.

Noong kasagsagan ng operasyon ng PNR, ito ay may malawak na network ng mga riles sa buong bansa, mula Dagupan hanggang Naga.

310188900 434656465434139 8914203918527289216 n