MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000
photo 2022 10 27 14 50 36

Inilunsad ng Philippine National Railways (PNR) ang “PNR Byaheng Undas 2022” na naglalayong makatulong sa paghahanda sa selebrasyon ng Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kaluluwa.

Nilalayon din ang “PNR Byaheng Undas 2022” na makapagbigay ang PNR ng ligtas at maaasahang serbisyong publiko sa pamamagitan ng mga byahe ng tren nito.

Sa pamumuno ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista, ang “Ligtas na Undas 2022” ay magbibigay diin hindi lamang sa mga pasahero ng PNR na bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, kundi pati na rin sa mga pasaherong sasakay ng PNR na nagnanais mamasyal at mamili gamit ang kanilang libreng oras sa ilang araw ng mahabang bakasyon.

Bilang paghahanda, naglatag ang PNR ng “quick response teams” na nakahandang sumaklolo at tumulong sa mga nangangailang pasahero ng PNR upang mapanatiling ligtas at maayos ang operasyon sa mga PNR terminals at istasyon.

Help Desks

Magdaragdag din ang PNR ng mga ‘Help Desks” sa mga terminals at istasyon, bukod sa mga nakatayo nang “Help Desks.”

Ang mga naturing na karagdagang desks ay makikita sa mg istasyon tulad ng Blumentritt, España, Sta. Mesa, Pandacan, Vito Cruz, Dela Rosa, Pasay Road, EDSA, FTI, Sucat, at San Pablo.

Ang mga Help Desks ay mamandohan ng mga station officers, PNR security personnel, at ng mga health personnel.

Ipapatupad rin ng PNR ang mas pinaigting na alerto sa mga istasyon malapit sa mga sementeryo.

Sa kasalukuyang may anim na mga istasyon na malapit sa mga sementeryo sa buong Metro Manila.

Samantala, may walo namang mga istasyon na malapit sa mga sementeryo katimugang bahagi ng Luzon.

Mayroon namang tatlong istasyon na malapit sa mga sementeryo sa linya ng PNR sa Bicol.

Naghanda rin ang PNR ng mga karagdagang biyahe, field skip trains, at mas pinahabang serbisyo para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Bilang sa pagsunod sa IATF protocols, pinapatupad ng PNR ang maayos na pagsusuot ng face masks sa lahat ng pagkakataon.

Kaagapay nito ang patuloy na pag-check ng PNR sa mga temperature ng lahat ng mga empleyado at mga pasahero ng PNR.

Kasalukuyan ding nakahanda ang mga emergency hotlines ng opisina bilang paghahanda sa mga mangangailangan ng assistance, sa mga may katanungan, at mga health emergencies.

Ang nasabing hotlines ay magsisilbi ring linya na magkokonekta sa Department of Transportation at mga attached agencies nito.

PNR Hotlines

Maaring tumawag ang mga nangangailangan sa PNR Hotline 5319-0044 at PNR Medical Clinic 5319-0041 local 104.

Hangad ng PNR hindi lamang ang mapayapa, at mataimtim, kundi pati na rin ang ligtas na Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kaluluwa para sa lahat ng mga biyahero at mga Pilipino.

##