MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000

photo 2022 11 25 10 03 50

CALAMBA, LAGUNA – Mamahagi ang Philippine National Railways (PNR) ng mga salamin at reading glasses sa mga residente ng Calamba at karatig bayan nito para sa pagdiriwang ng PNR ng kanilang ‘ika-isang daan at tatlumpung taong anibersaryo.

Ang optical mission na ito ay hatid ng PNR sa pakikipagtulungan sa mga doktor at presidente ng Special Philippine Eye Care Solution Foundation (SPECS) na si Ginang Adronica T. Roma, at ng lokal na pamahalaan ng Laguna sa pangunguna at suporta ni Mayor Roseller Rizal.

Ang SPECS ay isang non-profit organization na nagbibigay ng mga libreng salamin at check-up sa mata para sa mga nangangailangan.

photo 2022 11 25 09 59 30

Sa kasalukuyan ang SPECS ay meron ng 10,000 mga benepisaryo sa tulong at suporta ng kanilang organisasyon, mga doktor na nang boluntaryong magbahagi ng kanilang oras at ibang mga sumusuporta sa kanilang adhikain.

Matagal na ang pagtutulungan ng SPECS at PNR. Ang kasalukuyang clinic nito ay isang lumang tren na ipinagkaloob ng PNR na matatagpuan sa loob ng Tutuban Station.

photo 2022 11 25 10 03 48

“Masaya kami na pumayag ang SPECS sa aming plano na gumawa ng optical outreach sa Calamba. Sa pagdiriwang ng aming ‘ika isang daan at tatlumpung anibersaryo, naisip naming ibalik sa komunidad ang kanilang suporta sa daang bakal ng PIlipinas,” ani ni PNR General Manager Jeremy S. Regino.

“Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay isinilang sa Calamba. Isa rin siyang suki ng tren para makapunta sa Manila at Dagupan upang magbigay serbisyong medikal sa mga may problema sa mata. Naisip namin na ang PNR naman ang tutulong ngayon sa mga taga Calamba na nangangailangan ng salamin,” dagdag ni Regino.

photo 2022 11 25 09 59 29

Ang optical outreach ay gaganapin sa Calamba Station ng PNR sa Nobyembre 25, 2022, araw ng Biyernes mula 9:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. Inaasahang 300 na residente ang makikinabang sa optical outreach na ito.

Pinapaaalahan ng pamunuan ng PNR ang lahat na sumunod parin sa mga safety protocols para sa isang maayos at ligtas na pagsasagawa ng optical outreach na ito###