MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000

photo 2022 11 28 17 07 32

MANILA, Philippines - Mula ngayong Martes ng gabi, Nobyembre 29, mas pinahaba ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon ng mga tren bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga mamimili at pasahero sa Tutuban habang papalapit na ang kapaskuhan.

Ang mas pinahabang oras ng operasyon ng PNR ay bunga ng mas maraming available at operating train sets na makapagsasakay ng mas maraming pasahero.

Dahil sa mas pina-igting at mas sistematikong PNR train maintenance program, mas maraming tren na ang puede tumakbo.

Makakaasa ang mga mamimili at pasahero sa mas pinaraming byahe ng mga tren mula at patungong Tutuban.

Sinikap ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na madagdagan ang mga PNR train sets para makapagbigay ng ligtas at abot-kayang transportasyon para sa mga Pilipino.

Mula sa 40 hanggang 50 na byahe ng trains araw-araw, magiging 55 hanggang 60 na ang bilang ng byahe simula sa Martes ng gabi.

Ang unang byahe ay tutulak ng 4:11 AM mula Tutuban, samantalang ang pinakahuling byahe naman ay 9:16 PM mula Tutuban patungong Alabang.

Samantala, magkakaroon naman ng karagdagang byahe sa umaga na magmumula sa San Pedro patungong Tutuban sa ganap na 4:50. Mayroon ding karagdagang byahe sa ganap na 5:01 AM na magmumula sa Sucat patungong Tutuban.

Inaasahan na ang nasabing extended operating hours ay makakatulong sa mga pasaherong nais mamili sa Tutuban, makapagsimba sa mga karatig simbahan, at makapamasyal kasama ang kani-kanilang pamilya.

Noong 2019, nakaranas ng 17 porsyento na pagtaas sa bilang ng pasahero ang PNR mula sa Tutuban.

Dahil sa mas pinaluwag na health protocols, inaasahan ang parehong bilang sa pagtaas ng pasahero sa istasyon. ###