MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000
photo 2022 12 21 08 47 21

Bilang paghahanda sa darating na kapaskuhan, inilatag ng Philippine National Railways (PNR) ang “Oplan Biyaheng Ayos” ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula sa araw ng Disyembre 16, 2022 hanggang Enero 4, 2023.

Upang masiguro ang ligtas at maayos na byahe ng mga pasahero, naghanda ang PNR ng panibagong iskedyul para sa darating na Disyembre 31, 2022 at Enero 1, 2023.

Ang unang byahe mula Tutuban tungong Alabang sa Disyembre 31 ay tutulak sa ganap na 5:36 AM. Samantalang huling byahe naman sa nasabing ruta ay tutulak ng 2:06 ng hapon.

Para naman sa mga pasaherong bibyahe mula San Pedro patungong Tutuban, ang byahe ay tutulak sa ganap na 4:50 AM. Samantala, ang byaheng Biñan patungong Tutuban naman ay tutulak sa oras ng 5:25 AM.

Sa araw ng bagong taon, Enero 1, ang unang byahe mula Tutuban patungong Alabang ay aandar sa ganap na 10:06 AM. Ang huling byahe naman sa nasabing ruta ay lalarga sa ganap na 9:16 ng gabi.

Samantala, ang byahe magmula Alabang patungong Tutuban ay unang tutulak sa ganap na 11:32 AM. Ang huling byahe naman sa parehong ruta ay tutulak sa sa ganap na 8:02 PM.

Tuloy-tuloy din ang byahe mula Tutuban patungong Biñan at Tutuban patungong San Pedro sa Enero 1. Ang mga byahe ay tutulak sa ganap na 7:16 PM at 8:16 PM.

Inilatag naman ng PNR ang normal na oras ng byahe ng mga tren magmula Disyembre 21 hanggang Disyembre 30. Pakisubaybayan ang Facebook page ng PNR para sa mga updates.

Ang nasabing plano ng PNR ay bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong paparating na Pasko at bagong taon. Layunin nito na siguraduhin ang kaayusan sa lahat ng terminal at mga istasyon, lalung-lalo na sa pila ng mga pasahero sa ticketing booths.

Bilang paalala sa mga pasahero, pinapayuhan ang publiko na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan upang hindi magkaroon ng aberya sa pagpasok sa mga istasyon.

Bukod pa rito, pinapaalalahanan din ang mga pasahero na sumunod sa health and safety protocols ng DoH upang maiwasan ang COVID-19. Para rito, pinapaalalahanan ang mga pasahero na laging magsuot ng well-fitted masks. Kasama na rito ang pag-iwas sa pakikipag-usap sa mga kapwa pasahero habang nasa loob ng tren at istasyon. ###