MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000

photo 2023 01 05 16 40 57

MANILA – Ang kasalukuyang extended operating hours ng Philippine National Railways ay mas pinalawig hanggang Enero 15, bilang pakikiisa sa Pista ng Mahal na Poong Nazareno.

Ipagpapatuloy ang extended operating hours, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero at deboto ng Nazareno, sa darating na pista sa Enero 9.

Dapat natapos noong Enero 4 ang extended operating hours ng PNR na isinagawa dahil sa panahon ng kapaskuhan.

Nagpasya ang mga opisyal ng PNR na palawigin hanggang Enero 15 at inilatag ang “Oplan Biyaheng Ayos: Black Nazarene 2023” kung saan magkakaroon ng mas pina-igting na seguridad mula Enero 8 hanggang Enero 9.

Dahil sa tuloy-tuloy na mas pinahabang oras ng operasyon, pananatilihin ng PNR ang regular nitong mga byahe na aabot hanggang 9:16 ng gabi na tutulak mula Tutuban patungong Alabang.

Bukod sa pagpapalawig ng oras ng operasyon, naglatag din ang PNR mga emergency medical assistance na tutulong sa mga mangangailangan.

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero, nagtalaga rin ang PNR ng karagdagang security personnel upang masiguro ang ligtas, komportable, at maayos ang daloy ng mga pasehero.

Mayroon ding mga nakahandang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa istasyon ng Tutuban upang tumulong sa operasyon.

Sa may emergency situation, maaring tumawag sa PNR Hotline 5319-0044.

Alinsunod sa health and safety protocols ng Department of Health, mahigpit na ipinapatupad rin ng PNR ang tamang pagsuot ng face masks sa loob ng istasyon sa lahat ng oras. ###