MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 1000

photo 2023 02 09 11 08 01

Tumulak kaninang umaga, Pebrero 9, ang unang Philippine National Railways (PNR) train sa muling nagbukas na linya ng San Pablo patungong Calamba sa probinsya ng Laguna matapos ang masusing rehabilitasyon at pagpapatibay ng mga tulay sa Biñan at Tarapichi.

Pinuri ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang pagsisikap ng PNR na maibalik ang mas malawak na serbisyo sa Laguna, bilang pagtugon sa pangangailang transportasyon ng mga taga-Laguna.

“Ang pagbabalik ng byahe ng PNR sa rutang San Pablo - Calamba ay isang tamang hakbang upang makapag-bigay tayo ng pampublikong transportasyon na ligtas, abot-kaya, madaling gamitin, at efficient,” sabi ni Bautista.

Mula ngayon, araw-araw na ang byaheng San Pablo – Calamba ng PNR. Ang unang byahe ay tutulak sa ganap na 6:23 ng umaga na magmumula sa San Pablo patungong Calamba.

Samantala, ang huling byahe naman para nasabing linya ay magmumula sa Calamba patungong San Pablo sa ganap na 6:30 ng gabi.

May distansyang 32.62 kilometro ang mga riles sa pagitan ng San Pablo at Calamba.

Noong Pebrero 1, ibinalik na rin ng PNR ang byaheng Tutuban patungong Calamba na siyang nagsisilbing tulay upang makabyahe ang mga pasahero mula sa Laguna papuntang Metro Manila, at pabalik.

photo 2023 02 09 11 08 08

Ang pagbabalik ng mga byahe ng PNR na nabanggit ay dahil sa inisyatiba ni PNR General Manager Jeremy S. Regino na kumpunihin, ayusin, at mas patibayin ang mga tulay na dinaraanan ng mga tren ng PNR at nagkokonekta sa mga probinsya.

Inatasan din ni Regino ang mga inhinyero ng PNR na gawing mas masigasig ang regular maintenance ng mga tulay upang masiguro ang tibay nito sa oras ng kalamidad.

“Make sure that the PNR management will double its effort in maintaining our bridges. Paparating na ang habagat. Dapat handa tayo sa lahat ng p’wedeng mangyari,” sabi ni Regino.

photo 2023 02 09 11 08 06

Noong Huwebes, Pebrero 2, binisita at ininspeksyon nang personal ni GM Regino ang mga tulay ng Biñan at Palicpic – Ayungin.