Sa gabay ni Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista, naisakatuparan ni PNR General Manager Jeremy S. Regino ang mga sumusunod:
- Naparami ang bilang ng mga train sets na tumatakbo, mula 7-13 bago siya manungkulan noong Agosto 2022 hanggang 15 sa ngayon;
- Napadalas ang byahe ng mga PNR trains at umabot ang bilang nito sa 19,673;
- Tumaas ng 93.66% ang bilang ng mga pasahero (10.03 million ngayon kumpara sa 5.10 million bago siya manungkulan);
- Tumaas ng 91.82% ang rail revenues (mula sa PhP 94.0 million dati, naging PhP 181.70 million ngayon);
- Tumaas ng 17.79% ang non-rail revenues (mula sa PhP 348.00 million kumpara sa PhP 409.93 million ngayon);
- Dumami ang infrastructure projects sa panunungkulan ni GM Regino: apat na train stations na-repair; 53 na tulay ang na-repair; at 385.5 kilometro ng riles ang na-repair;
- Naibalik ang byahe sa rutang Calamba (Laguna) hanggang San Pablo (Laguna) patungong Lucena (Quezon), at sa rutang Naga (Camarines Sur) papuntang Ligao (Albay);
- Ilang linggo pagkatapos niyang maupo, pinabakunahan agad-agad ni GM Regino ng 2nd booster shot ang mga kawani ng PNR, pati na ang mga janitorial at security service providers personnel;
- Pinag-utos ni GM Regino ang improved access ng mga pasahero at transacting parties sa PNR offices;
- Streamlined ang proseso at pamamaraan sa pamamahala at pangangasiwa ng PNR;
- Nagkaroon ng 16 trainings at seminars na dinaluhan ng 834 ng mga kawani at opisyal ng PNR;
- Sinimulan ni GM Regino ang proseso ng PNR restructuring.