- OCTOBER 6, 2022: Muling umarangkada ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) trains mula Calamba City, Laguna hanggang Lucena City, Quezon Province.
- JANUARY 31, 2023: Natapos ang repair ng Biñan Bridge na nasira ng Bagyong Paeng.
- FEBRUARY 2, 2023: Naging operational muli ang rutang Tutuban-Calamba-Tutuban na natigil dahil nasira ng Bagyong Paeng ang ilang tulay at maraming riles ng PNR.
- February 8, 2023: Natapos ang pagkukumpuni ng Tarapichi Bridge, na naapektuhan rin ng Bagyong Paeng.
- FEBRUARY 9, 2023: Muling binuksan ang 21-kilometer line ng PNR sa rutang Calamba hanggang San Pablo City. Isinara ang nasabing ruta para bigyang daan ang repair at rehabilitation ng Biñan at Tarapichi bridges na sa nasira ng Bagyong Paeng.
- MARCH 6, 2023: Naibalik ang biyaheng 44-kilometer mula San Pablo, Laguna hanggang Lucena City, Quezon Province. Matapos ang matagumpay na pagkukumpuni ng Tabag Bridge sa Sariaya, Quezon.
- APRIL 10, 2023: Matapos ang halos 30 taon ng pagpupursigi sa ilalim ng iba’t-ibang PNR general managers, pormal na nilagdaan nila PNR General Manager Jeremy S. Regino at Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) President Edgay Bilayon, kasama ang iba pang opisyal ng union, ang 2023 Collective Negotiation Agreement (CNA).
- JULY 3, 2023: Dumalo si GM Regino sa ground-breaking ceremony ng North-South Commuter Railway Project (CP S-04, S-05, and S-06) sa Santa Rosa City, Laguna. Ang NSCR ay proyekto ng DOTr at PNR.
- JULY 31, 2023: Matapos ang anim na taon, muling nagkaroon ng biyahe ng PNR trains mula Ligao Station sa lalawigan ng Albay hanggang Naga Station sa Camarines Sur, at pabalik.
- SEPTEMBER 16 - 17, 2023: Naghandog ang Department of Transportation at PNR ng libreng sakay at additional trips para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa mga rutang Naga-Ligao at Naga-Sipocot bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2023 Peñafrancia Festival.
- SEPTEMBER 8, 2023: Binuksan ang PNR flag stop sa Barangay Lourdes, Nabua, Camarines Sur.
- OCTOBER 9, 2023: Binisita at ipinaliwanag ni GM Regino ang nakalaang relokasyon ng National Housing Authority (NHA) para sa mga residenteng nasunugan na nakatira sa lupain ng PNR sa 10th Avenue, Barangay 9, Caloocan City. Sa pakikipagtulungan ng PNR sa NHA at Caloocan City government, mabibigyan ng pabahay sa bagong relocation site ang mga apektadong residente.
- OCTOBER 11, 2023: Dumalo si GM Regino sa ground-breaking ceremony para sa pabahay na itatayo ng NHA sa limang relocation sites sa Laguna at Quezon provinces. Ang pabahay ay para sa mga informal settler families (ISFs) na maaapektuhan ng PNR South Long-Haul Project sa mga nabanggit na lalawigan.
- OCTOBER 16 - 20, 2023: Matapos ang 27 taon, pinangunahang muli ng PNR ang annual meeting ng ASEAN Railways Chief Executive Officers’ Conference (ARCEO). Ang PNR hosting ng 43rd ARCEO ay nangangahulugan ng pagbabalik ng PNR bilang isang regional player sa railway industry sa Timog-Silangang Asya.
- OCTOBER 17, 2023: Matapos isara noong May 2023, muling binuksan ang Laon-Laan Station.
- OCTOBER 31 - NOVEMBER 2, 2023: Bilang pakiisa sa paggunita ng Undas, nagdagdag ang PNR ng mga flag stops sa ilang mga lugar na malapit sa mga sementeryo upang magbaba at magsakay ng mga pasahero. Kabilang dito ang flag stops sa Hermosa, Espeleta, Santa Ana, at Candelaria Crossing.
- NOVEMBER 24, 2023: Sa 131 anibersaryo ng PNR, isang kopya ang Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng PNR at Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) ang ibinigay kay Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista para ipahayag ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga kawani at management ng PNR sa ilalim ng pamumuno ni GM Regino.