GABAY PANGKALIGTASAN SA PAGSAKAY SA PNR TRAIN
- Ugaliin po nating humawak sa mga safety hand rails.
- Iwasan ang sumandal at humawak sa mag-kabilang pintuan sa tuwing ito ay mag-bubukas at mag-sasara.
- Huwag pipigilan ang pag-sasara ng tren nang makaiwas sa pagka-ipit sa pinto. Huwag din bubuksan ang mga pintuan habang umaandar ang tren, tanging pinahihintulutang train personnel lamang ang maaring gumawa nito.
- Ingatan po ang inyong mga personal na gamit tulad ng cellphone, bag at wallet.
- Ingatan po ang inyong ticket dahil ito ay kukunin sa paglabas ng istasyon, ang pag-kawala po o sadyang walang ticket ay may kaukulang penalty.
- Ingatan po ang inyong mga daladalahan at mga bagahe. Wala pong pananagutan ang kumpanya sa pagkawala ng inyong kagamitan o bagahe.
- Maging mapag matyag sa paligid upang makaiwas sa mga taong mapagsamantala.
- Kung may napupuna na kahina-hinalang tao o bagahe, ipagbigay alam agad sa train marshal o konduktor sa tren.
- Iwasan din po ang malalakas na pag-uusap sa loob ng tren bilang pagbigay galang sa ating kapwa pasahero.
- Pagkababa ng tren mag-ingat sa pag-tawid sa riles, siguraduhing walang paparating na tren.
- Sa panahon ng aberya sa tren tulad ng shutdown, mechanical problem o pagka-diskaril, maging mahinahon po tayo at makinig sa gabay na sasabihin ng principal konduktor at ipapatupad ng train personnel. Iwasang magtulakan at maging maingat sa pag-labas ng tren kung kinakailangan at pinapahintulutan na ng train konduktor.
Inaasahan po ng PNR ang inyong pag-sunod sa mga gabay na ito at hangad ng PNR ang inyong ligtas na paglalakbay.